




CREATIVE EVENTS




Story
Ayun natapos ang pagrampa namin at hindi siya natapilok. sa katunayan ang ganda nga nyang lumakad :) . naalala ko din noon na nagseselos ako kay trisha kapag nagpapapicture sya sa ibang lalake tapos nakakapit sya sa braso nila. Ang seloso ko :( . Kaya medyo nagkatampuhan kami that time. Pero nawala din yun kasi hindi naman tumatagal pagtatampo ko sa kanya dahil hindi ko sya matitiis. Sayawan na ang hinihintay ng lahat. Doon nagtipon tipon lahat ng magkakapartner at sumasayaw sa gitna. May mga magugulo, may naglalaro, may tambay lang sa harap, may kumukuha ng litrato at kaming dalawa ni trisha ay masayang sumasayaw. Ang gaganda ng music ng DJ at naalala ko noon na kumakanta kaming dalawa ni Trisha habang magkaakap kame. Hindi naman masyado magkayakap. Sya ang naging first at last dance ko noong prom at ako din ang first at last dance nya.
Ang sarap pala ng feeling na kasayaw mo ang taong mahal na mahal mo. Ayan tuloy hindi ko na sya binitawan sa pagsasayaw kaya first and last dance ko sya. Ang tatamis ng kanta na pinapatugtog kasabay nun ang matamis na sayaw naming dalawa. Hindi ko makakalimutan iyon dahil first time ko syang naisayaw. Natapos ang prom night ng sobrang saya at puno ng mga alalaang nagpakilig nanaman sa akin. Pauwe na kami at ihahatid ko na siya sa bahay nila. Nakapaang umuwe si trisha kasama yung mga kaibigan nya. Ang kulit nya ngang panoorin eh kasi ang kulit kulit nya at nag eenjoy ako habang pinagmamasdan ko sya. Haisst ang sarap ibalik ng highschool kung saan nandyan yung taong mahal na mahal mo, lagi mo syang nakikita at pareho kayong gumagawa ng kalokohan. Naalala ko din pala yung project na calendar kay mam mabacquiao tama pa ba spelling? na parehas naming pinaghirapan yung calendar tapos hindi tatangapin oh d ba ang saya. Masaya dahil parehas kaming walang project hehehe. Nakakamiss ka Trisha nakakamiss yung mga ginawa natin.
Haisst malapit na ang graduation at unti na lang ang natitirang araw para sa pamamalagi namin sa MHS. Hindi pa man tapos ang klase sobrang miss na namin ang isa't isa. Lumipas ang mga araw at ito na nagsimula ng magpractice sa graduation day haisst ramdam na ang lapit ng pagtatapos namin. Merong iba na masaya dahil siguro makakamit na nila ang tagumpay and resulta ng kanilang paghihirap sa loob ng 4 apat na taon sa paaralang iyon pero sa aming dalawa ni Trisha hindi ganun kasaya. Masasabi namin na masaya din kami dahil matatapos na ang 4 na taong pinaghirapan namin sa paaralang iyon pero yung sayang lagi kaming nagtititgan, yung lagi naming tinitignan ang isa't isa bwat oras, sa lahat ng kalokohan magkasama kami yun ang mamimiss namin noon kaya parang gusto namin iextend pa ang graduation day.... kaya noong dumating na ang graduation day ayun may halong excite at lungkot ako.
Add me here:
USAP TAYO DITO:
She is the most important person to me:
Trisha Mae A. Penohermoso




Calendar:
News:


GRADUATION DAY