top of page

Story

                           

                                  Malungkot akong bumaba ng sasakyan hindi lang halata. lumingon ako sa paligid tinignan ko kung nandoon si Trisha pero wala sya kaya naghanap na lang muna ako ng bulaklak para sa damit at medalyang bulaklak para sa leeg ko ( Nakalimutan ko na tawag dun ). haisst lakad lakad unti hanggang sa makita ko na ang pila. Doon nakita ko na si Trish ganda nya pa rin talagang napaka straight ng buhok nya. 



                                ayan na nagsimula ng patugtugin ang graduation music. By section ang pagpasok sa hall...  at nga pla ang picture ni part ayan gragraduate na kame kaso hindi ko na makita ung picture naming dalawa na tinake ng parents ko :(.... hinahanap ko pa rin hanggang naun... 

























































                 





                 Nang nakaupo na kame sa dapat naming upuan doon sinilip ko si part at ayun tingin tingin sya sa pligid tulad ko ang likot ng mata kung saan saan tumitingin.. nagsimula na ang ceremony at Hindi naman nagtagal iyon hanggang sa tawagin na kami isa isa sa harap. Grabe nagulat ako ang laki ng mga picture na pinapakita kaya parang nakakahiya maglakad sa stage..... at pagkatapos nun nagkantahan na kami.... nagkaroon ulit ng ceremony at ayun graduates na kaming lahat. Merong umiyak, merong malungkot, merong masaya at merong graduates na wala lang.. Doon sa labas nag picture taking ang mga estudyante at nag usap usap. Syempre hindi pwedeng hindi ko puntahan ang partner ko kaya hinanap ko sya.. Pero bago ko sya mahanap pinicturan muna ako ng parents ko kasama ang pinsan ko... maya maya nakita ko na si part at ayun nag papicture kaming dalawa kay mama.. Namimiss ko ung time na yun grabe... Pagkatapos nun kami ay umuwe na.. bago pa man kami makalabas ng parking lot naabutan namin si Trisha at ang parents nya na nag aantay sa labas kung kayat nakita ko ito at isinabe ko kay mama. Binuksan ni mama ang bintana ng sasakyan at sinabeng pwede sila Trisha na sumabay sa amin ngunit sila Trisha ay meron ding service kaya tumangi sila. Doon pa lang naramdaman ko na malapit at gusto ni mama si Trisha. May tiwala sya sayo part. Hindi ako nagkamali ng pagpili part sinasabe na sa akin ng panaginip ko maging ang panginoon. Kaya hinding hindi kita papakawalan kailan man.. Mahal na mahal na mahal kita  part :*



              Alam natin na marami sa atin ay naghahangad ng masayang relasyon pero hindi lahat ay kailangang masaya kasi sa totoo lang walang relasyong walang problema lahat yan ay meron. Kaya nga sa isang taong pagsasama naming dalawa ni Part madami na kaming napagdaanang pagsubok hindi lang isa kundi marami talaga kaming naging problema as in nagkaroon pa nga ng every week lagi kaming hindi nagkakaintindihan. Meron pa ngang point na  hahantong na sa boiling point pero andyan pa rin kaming dalawa nagkakaayos at nagiging mas matatag pa dahil sa tulong ng panginoon. Alam nyo ipagitna nyo ang dyos sa inyong relasyon kasama na ang tiwala, pagpapakatotoo lalong lalo na ang pagmamahalan nyo sa isa't isa at magiging masaya kayo sa inyong pagassama at isa pa Hindi naman lahat ng bagay namamadali eh kailangan yan ng time. Kailangan ng paghihintay yan ang natutunan ko kay trisha nagkaroon kasi ng point na nagkamali ako hindi ko muna pinalipas yung time yan nagalit lalo sya sa akin. Pero dahil sa lahat ng paraan na ginawa ko at kasama na ang pagdadasal ko kay god naayos ang problem hehehe grabe natatakot talaga ako na mawala ka sa akin part hindi kita kayang mawala kaya lagi kitang kasama sa pagdadasal ko kaya gagawin ko lahat ng paraan wag ka lang mawala sa akin. 

 

 

                Isa sa mga nais kong pasalamatan ang taong naggabay sa amin, ang taong nagbibigay ng aral, ang taong nagpapayo sa amin at ang taong naging parte narin ng buhay namin. Si Mam ning. 











 

 

                       Tiwala, tapat, paghihintay at pagmamahalaan ang mgandang sangkap tungo sa tunay na relasyon hindi para sa perpektong relasyon bsta lagi nating tandaan na huwag mag expect na laging masaya kundi maging malakas para sa pagdating ng mga problema. ika nga sa kasabihan "after rain there's a rainbow" kaya wag matakot na makaranas ng problema dahil iyon ang huhubog sa atin upang maging malakas ang isa't isa at upang mapatunayan natin kung sino nga ang karapat dapat na tao sa atin na handang lumangoy sa dagat ng paghihirap makamit lamang ang pinapangarap nating bangkang magbibigay saya sa buong buhay natin. Alam ko marami pang pagsubok ang dadating sa ating dalawa at handa kong harapin lahat ng iyon at lalagpasan natin yun part. Kayang kaya ko part dahil mahal na mahal na mahal kita :-* HAPPY 1ST ANNIVERSARY PART :) :-*

                       

               Haistt natapos na ang graduation day at mag eenroll na ulit sa bagong chapter ng buhay ang pagiging isa namang college.. Marami pa akong gustong isulat ngunit na nauubusan na ko ng bandwidth sa website at storage kaya hanggang dito na lng muna itong story hehehe.



                                                 maraming salamat po sa pagbabasa :)

 



                       

  • Wix Facebook page
  • Wix Twitter page
  • Wix Google+ page

Add me here:

USAP TAYO DITO:

  • Wix Facebook page

She is the most important person to me:

Trisha Mae A. Penohermoso

Calendar:

News:

6

About Us

3 years experience programing
editing, designing and animating.

Services:

- editing
- generalist
- animating 3d
- programming

Let's Meet

Call/txt me for a free quote
09997094471 - smart 

Visit Us c2 block 5 Somerset place.

Manila, Philippines

© trishajason. All rights reserved. 2012

bottom of page