




CREATIVE EVENTS




Story
Natapos na ang christmas party, pasko, bagong taon, field trip at valentines. Ito na ang hinihintay ng karamihan Ang S Prom namin. Pero bago sumapit ang prom night namin may nangyari. Yun ay nung sinabi sa akin ni mam see na hindi sasama si Trisha sa S - Prom. Grabe dismayado ako noon kasi bago pa dumating yun noon pa lang iniimagine ko na kung paano kami sasayaw ni Trisha tapos yun pala hindi sya sasama. Talagang nalungkot ako noon pero dinadaan ko na lang sa tawa yung mga pangaasar nila. Dahil sa kalituhan ng isip ko tinanong ko si Trisha na sasama ba sya o hindi. Hindi ko masyado maintindihan ung sinasagot nya pero may pakiramdam ako na niloloko lang nila ako. Ilang araw na lang prom night nanamin hanggang doon hindi ko pa din alam kung sasama ba sya talagang hindi ko alam litong lito ako at lungkot na lungkot kasabay pa noon ung pangaasar ni mam see na hindi talaga makakasama si Trisha kasama na ang mga kaibigan nya sila Carla yan talagang pinipilit na hindi sasama si Trisha. Aww grabe sabi ko sa sarili ko sayang naman yun gusto ko sya lang maging kasayaw ko tpos hindi sya pupunta. Pero yung mga time na yun medyo nalalaman ko na niloloko lang nila ako hanggang sa tinanong ko ulit si Trisha at ayun sinabe nya na ang totoo. Yes kasama pala sya!!! Sabi ko sa sarili ko. Naging kampante na ako noon :) Patuloy pa akong inaasar ni mam see at ni carla na hindi makakasama si Trisha pero hindi nila alam na alam ko na ang totoo na sasama pala sya kaya hindi ako nag papa affect sa asar nila :D. Sumapit na ang Prom namin kanya kanyang hintayan ng partner sa labas ng school ang mga 4th year. Kasabay kong pumunta sa school ang pinsan ko hinatid kami ni mama at papa. Nang dumating kami sa school sa may kanto sumisilip silip ako sa labas ng sasakyan tinitignan ko si Trisha kung nandoon sya kaso wala kaya bumaba na ako. Nagpaalam na kame ng pinsan ko sa mama ko at umalis na sla. Hinanap namin ang mga klasmeyt namin at ayun nakita ko klasmeyt ko sila Doc, siongco deejay at sila dan kaso wala pa din ung hinihintay ko na aking partner na si Trisha. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa biglang dumating ang napakagandang babaeng nakapulang tube na parang kamukha ni Chris Aquino :) hehehe. Grabe nagulat ako sa kanya sobrang ganda nya talaga wala ako masabe. Ito ung picture nya nasa baba, Todo smile pa ako dyan haha.
Yan ang ganda nya talaga di ba? Sabe ko sa inyo eh hehehe. Tinawag na kami kaya pumasok na kami sa loob. Ito picture namin yan nakapila kami para sa individual na photo. Pagkatapos kaming mapicturang dalawa ni Trisha hinahanap namin ang pwesto para sa section namin at nagpahinga. Napakaganda ng pagkakaayos ng prom namin na ginanap sa court nagpakitanggilas ang mga kalahok sa cotillion. Nagenjoy kami ng sobra hanggang sa rumampa ang mga magkakapartner sa court. Lahat ay tinawag at naalala ko pa noon na natatakot si Trisha na rumampa dahil sa mataas nyang takong na baka maging dahilan ng pagkakatapilok nya. Kabadong kabado si Trisha habang papalapit na kami sa court at hanggang sa kami na ang susunod na rarampa. Bago kami rumampa sinabihan nya ako na magdahan dahan ako sa paglakad eh pasaway ako kaya binilisan ko unti hahaha kaso pinigilan nya rin ako kaya nagdahan dahan na din ako. Ito ung Photo namin sa baba bago kami rumampa.
Add me here:
USAP TAYO DITO:
She is the most important person to me:
Trisha Mae A. Penohermoso




Calendar:
News:

