




CREATIVE EVENTS




Story
January na ilang months na lng graduate na... haisst kakalungkot talaga noong mga panahong iyon :( dahil sa maiksi na lamang ang aming natitirang panahon... January ito ang event na pinakahintay ko syempre hindi mawawala ang fieldtrip kung kayat excited nanaman ako... ang fieldtrip namin ay hindi basta basta na kung saan mo gusto umupo ay doon ka... may mga number na dapat sundin pero dahil ayaw naming maghiwalay ang isat isa.. nag request na lang kaming pagtabihin na lng at kasabay nun ang kabang nararamdaman kung papayagan ba... salamat kay lord dahil pinayagan kami, maging ang ibang kaslmeyt naming nagrequest din.. dumating na ang araw ng fieldtrip at masaya akong pumunta sa ministop.. dahil doon susunduin ko si trisha at sabay kaming papasok ng school. Napakalamig ng araw na iyon at wala akong jacket..
Noon pa lang gusto ko na syang yakapin ngunit sadyang napakatorpe ko pa rin at mahiyain... nakasakay na kami ng bus at ready to go na... mahaba haba pa ang biyahe kung kayat naglabas ako ng earphone para makapagsoundtrip kasabay naman nun ang paglabas ng tablet ni trisha para maglaro... malamig sa bus gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako kaya nag jacket na lang ako. Habang nasa biyahe kame nakaramdam na si trisha ng pagkasawa sa paglalaro nya sa tablet. kayat nagkwentuhan na lang kami habang nagsousoundtrip ako... ikinuwento nya na may tumatawag sa kanya at ung nakaraan nyang iyon... nakaramdam ako ng selos sa mga oras na iyon pero lumipas din naman hanggang sa magsoundtrip na kaming dalawa... mga pinakinggan namin ay ang marry you, marry your daughter, god gave me you, dont you cry at iba pa..
ang sarap ng feeling ko that time.... ung feeling na tapos nyo na pagdaanan ang lahat ng problema at masaya na kayong namumuhay tapos nakasandap pa siya sa akin ang sarap sa pakiramdam hindi ko makakalimutan un. nag enjoy kaming dalawa sa biyahe at meron akong hindi nakalimutan at un ung naiwanan ko siya. Kasalanan ko dahil inakala ko na nasa bus na siya kayabumalik na lang ako sa bus pero pagdating ko wala pla sya dun.. pasensya na trisha dun ah alam ko medyo nagtampo ka pero lagi u tatandaan na mahal na mahal kita... Ito yung picture namin habang nasa bus kami.
ayun pauwe na kami at nagsimula ng magingay ang mga klasmeyt namin... kaming dalawa naman ay tahimik lang na nag sousoundtrip at naguusap sa upuan... habang kami ay nagsousoundtrip at naguusap dahan dahang naglalapit ang mga kamay namin hanggang sa magkahawak na kami ng kamay na nakatago sa ilalim ng jacket nya oh di ba secret hehehe pero nakita parin ng klasmeyt namin na katabi ko.. first time naming mag holding hands at mas lalong lumakas ang spark na nararamdaman ko sa kanya kinilig nanaman ako dun tapos kasabay pa nun ang mga music na marry you, marry your daughter, god gave me you ... ang ganda talaga ng feeling hindi ko mapaliwanag. matagal kaming magkaholding hands ni trisha dahil iyon ang nagbibigay ng init sa malamig na aircon ng bus.. ng kami ay pauwe na at pagod na ang lahat. labasan na sa bus.. ako ay nagpaalam kay trisha kasabay noon ang pagsabe sa kanya ng mahal na mahal kita.. pagod akong dumating sa bahay at masayang nagpahinga kasabay ng pagisip sa mga alalaang nangyari sa amin nung araw na iyon.. natapos na ang fieldtrip at isang event na lang ng school ang mangyayari un ay yung prom namin pero bago sumapit ang iyon marami pa ang nangyari sa aming dalawa. tapos na january papasok na si february at malapit na si valentines.. Ang araw ng mga puso.
Dumating na ang araw ng mga puso february 14, 2012 (tuesday may pasok) umaga pa lang ay agad na akong naghanda upang dumiretso sa ministop (cutting class?) hindi bibili ako ng toblerone para sa kanya. Marami nga akong nakitang roses eh ang bait nga nila eh inubusan ako kaya chocolate lang nabili ko kaya dumiretso na lang ako sa klase. Naghihintay ako noon ng tyempo para ibigay kay trisha ung chocolate ngunit nahihiya pa ako noon kaya hindi ko mabigay bigay. Una kong tyempo pag pasok ko sa klase pero hindi ko nagawa, pangalawang tyempo recess hindi ko din nagawa, pangatlong tyempo ayun sa wakas ang tamang tyempo uwian sabay kami. Tamang tama ang tyempo ng uwian kaya ng ilalabas ko na ang chocolate saka naman ito natunaw haist grabe nahiya na akong ibigay sa kanya yun para na kasing tubig kaya ayun hindi ko nabigay sayang :(. Hindi kami nagkasama ni trisha dahil niyaya siya ni mam ulep para kumain. Sila ang nagdate sayang :( at syempre bago sila mag date ni mam ibinigay sa akin ni trisha ang isang mahalagang sulat syempre mahalgang mahalga ito kaya itinago ko at iniingatan. Ang sulat nya para sa akin. Ito sya nasa baba.
Umuwe ako noon na dala dala ko pa din ang binili kong chocolate at walang naibigay kay trisha kahit ano kaya nahiya lalo ako sa kanya. Nag thank you na lang ako sa sarili ko dahil binilhan ko ng chocolate sarili ko at kinain na lang sa bahay. Syempre hindi pa din ako susuko gusto ko talaga syang bilhan ng chocolate at mawala ung pagkahiya ko sa kanya kaya binilhan ko sya ng chocolate noong dumating ung monthsary namin february 16 at syempre ang binili ko na lang ung chocolate na hindi basta basta natutunaw kaya M&M ang nabili ko. Syempre dahil ayaw ko ng maulit ung nangyari sa toblerone, oras oras lagi kong chinecheck ung M&M baka kasi matunaw nanaman. Sabay naming kinain ung M&M at naalala ko nga ako na lang ata nakaubos nun... nasa dulo kaming dalawa malapit sa pintuan kumakain ng M&M :)
Add me here:
USAP TAYO DITO:
Trisha Mae A. Penohermoso





Calendar:
News:

She is the most important person to me