




CREATIVE EVENTS




Story
Dito nagsimula ang lahat sa paaralan ng manggahan ko siya nakilala at 3rd year kame ng mapansin ko siya...Sa library ko syang unang nakita at nasilayan dahil lagi syang nahuhuling umalis sa tuwing magsisimula na ang aming klase sa tabi ng library ( sa library kami nag kakalse which is favorite place namin dahil free kaming nakakapagkwentuhan ng mga klasmeyt ko kasama narin ang pag sousoundtrip). Ng matapos ang taon ko sa third year… ito na ang pagdating ng huling chapter ng buhay ko para sa highschool… ang paggiging isa ko ng 4th year. Sa mga panahong iyon gusto akong ilipat ng aking mga magulang ng ibang paaralan pero dahil sa lumaki na akong magaaral sa mga public school mas pinili ko pa ring manatili sa MHS kaysa sa isang pribadong paaralan. Nakapagenroll na ako at isa na akong certified 4th year student. Dumating na ang pasukan at first day ng class.. ayun nakita ko si trisha klasmeyt ko sya pero sa mga panahong iyon wala pang kuryenteng dumadaan o namamagitan sa aming dalawa kya bilang klasmeyt lamang ang turing namin sa isa’t isa. At Syempre dahil first day ng class ako tahimik muna, tingin tingin sa palgid dahil nag aadjust pa sa environment. Pero ng lumaon ay ayun nagging makulit at madaldal na rin ako pero hindi maloko. 1st grading grabe hindi ko pa kayang makipagsabayan sa mga klasmeyt ko kaya ayun lagapak ang grado ko (English ko bagsak). Dumating ang kuhaan ng card.. kabado sa sasabihin ng parents hanggang ayun napagsabihan ako. Nagsimula na ang 2nd grading at sinabe ko sa sarili ko na babawi ako (laging sinasabe ng mga estudyante pero ung iba hindi ginagawa.. kasama ata ako?) ayun mas na improved ang performance ko unlike noong first grading kung saan ang ganda ng grade ko sa English. sa Grading ito (2nd grading) napansin ko ulit si trisha dahil sya galing nya sa klase.. Napansin ko rin na tahimik lang sya pero pagdating sa klase ang galing nya.. Lumipas ang mga araw at may isa akong klasmeyt na nagsabi sa akin tungkol sa isa din naming klasmeyt. May gusto daw sya sa akin at alam nyo kung sino un? Sya si Trisha. Nagulat ako ng malaman ko un at inilihim ko lng un sa kanya na alam ko na may gusto sya sa akin. Hindi ko sinabe sa kanya dahil ayaw kong iwasan nya ko at hindi pansinin. Kasabay nun ay ung biglaang pagpasok sa isip ko sa matagal ko ng hinihintay sa babaeng pinapangarap ko. Kinuha ko ang number nya at simula noon nagging magkausap na kami at nagging close na sa isa’t isa. Natapos ang bubong grading na iyon at kuhaan nanaman ng card (ang pinakanakakatakot na bagay sa school. Kung pwede hindi kunin… pero kailangan). Medyo nagging okay naman ang result at medyo guminhawa ako sa mga sinabe ng magulang ko
Ito na ang bilis noh 3rd grading na agad isang grading na lng tapos na ang pagiging 4th year ko. Ito na first day ng 3rd grading namin at ayun kailangan na mag seryoso at mag-aral ng mabuti. At ito nagiging malapit na kami ni trisha. Dito nararamdaman ko ang kakaibang pagmamahal na pinaparamdam nya sa akin at tuluyang nabihag na ko sa kanya. Mahal ko na siya, dito ko na nasabi na mahal ko na siya. Ibang iba ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. Nagkaroon man ako ng nakaraang relation pero sa kanya ibang iba tlga. Ipinagdasal ko ulit sa panginoon kung Siya na nga ba ang karapat dapat para sa akin. Alam kong hindi agad sasagutin ng panginoon ang tanung ko at alam kong uunti untiin nyang ipaalam sa akin ang tunay na kasagutan. Lumipas ang mga araw at mas lalong lumalakas ang spark na nararamdaman ko sa kanya. Sa mga panahong pinagdaanan naming marami na agad kaming kinaharap na pagsubok. Kasama na dito ang selos na nagpaiyak sa mga damdamin naming. Pero dahil nga sa pagmamahalan naming nakakaya naming sirain ang nakaharang na pader sa aming paglalakbay. At ito na December na malapit na Christmas party namin. Pagkatpos nun Christmas vacation at new years eve… Christmas party namin December 16 syempre pag may party hindi dpat mawawala ang gift kaya nagkaroon kame ng exchange gift. Una muna ay botohan para sa price na bibilhing regalo at botohan para sa taong pagbibigyan mo ng regalo.. Nakakalungkot nga dahil expect ko si Trisha ang mabubunot ko pero iba.. Hindi ako nawalan ng pagasa dahil naniniwala ako na may paraan ang lahat ng bagay na gusto natin kaya nakipagpalit ako sa taong nakabunot sa kanya.. Ayun hindi alam ni Trisha na ako ang magbibigay ng regalo sa kanya dahil alam nya iba ang nabunot ko… Malapit na dumating ang chrismas party naming at kailangan makabili na kame ng ireregalo naming. Ako naman dahil nabunot ko si trisha hindi ko alam kung ano ba ang mgandang iregalo para sa kanya kaya naisip ko na sya ang tanungin ko sa paraang hindi nya mapapansin. Nagkita kame sa sta.lucia mall para tumingin ng ireregalo sa nakuha namin. Kinilig nanaman ako nakita ko nanaman siya pero hindi ko un pinahalata sa kanya. Kabado rin ako dahil baka mapansin nya ang gagawin ko.. Tinanong ko sya kung ano ba ang mgandang iregalo para sa babae at ayun nagkaroon ako ng idea dinala ko sya sa isang stuff toy store doon kung saan napakaraming bear, pigs at iba pa..
Pinapili ko sya kung ano ang magandang iregalo pra sa taong nabunot ko. Nakita nya ang isang color yellow na bear dahil and favourite color nya ay yellow. Doon naisip ko na dpat kulay yellow ang ibigay ko sa kanya kaya napag decide ko na bibilhin ko ung bear na iyon para sa kanya.. Umalis kami doon at nagpasalamat ako na hindi nya napansin or nalaman na siya ang pagbibigyan ko… Kinabukasan na ang Christmas party namin kya ibinalot ko na ang binili kong bear para sa kanya. Nilagyan ko rin ng sulat iyon na mababasa habang hawak nya ang bear na iyon. May pangalan ang bear na iyon sya ay si “string bean” kyut ng pangalan noh… Ito na DECEMBER 16, 2011 Christmas party na excited na ko…. Sinundo ko si Trisha sa kanila un nga lang nagkaroon ng unting something kasi naliligaw ako… Matagal kaming naghanapan ni trisha hanggang sa magkita kami sa magkabilang tabi ng kalsada. NAKS nakita ko nanaman sya :) at parehas pa kami ng kulay ng damit color blue wow lord match na match tlga kami nito haha… at ito ang first time na nakita ako ng mga magulang ni trisha kakahiya dahil ako na lng pla ang hinihintay nila para umalis pero Kinilig nanaman ako dahil ang lakas kasi mangasar nila Carla. Sumakay na kmi ng sasakyan nila papunta sa school at ako ang may dala dala ng isang bilao ng pancit.. Dumating na kmi at ayun nag start na pla ang program… ng matapos ang program nagsimula ng magsiakyatan sa taas para sa kanya kanyang party. Naging masaya kaming lahat. Nakalaro sa mga pa games. At syempre ang favourite ni trisha at ako ay nabusog kami sa mga pagkaing inihanda ng aming mga kamagaral… Tapos na ang program namin at ang inaasam asam ng lahat ang exchange gift.. Kanya kanya ang salita sa harap ng nabunot nila at kasabay nito ang pagabot at pagtangap nila ng kanilang mga regalo hanggang sa mabigyan na silang lahat at ako na lng ang natitirang hindi pa nagbibigay.. Pinagsalita ako sa harap ni mam see at kasabay nun ay ang malakas na hiyawaan ng mga klasmeyt ko.. Kahit na nahihiya na ko dahil sa kanilang mga hiyawan nagawa ko paring ibigay sa kanya ang regalo na buong klase ang nkakakita.. alam ko hindi nya expect at ikinagulat nya un pero masaya ako dahil hindi sya nagalit at nagustuhan nya pa ito.
Naging masaya ako sa araw na iyon at iyon ang araw na hinding hindi ko makakalimutan dahil iyon ay ang araw kung saan sinagot nya na ako. Sobrang saya ko ng malaman ko mismo sa kanyang mga bibig ng sabihin nyang "sigeh na tayo na :)" sobrang saya ko talaga. Ang salitang hindi ko makakalimutan. Ang regalong hinding hindi matutumabasan ng anu man... Grabe akong kinilig dun sa kanya :D (kala nyo babae lng kinikilig). Natapos ang araw na iyon ng masaya. Dumating na ang christmas vacation at wala ng pasok. Nakakalungkot na dahil namimiss ko siya. hindi ko sya nakasama nung mga araw na iyon pati na rin noong new years eve. Ito january na 2012 pasukan na excited na ko na makita ko ulit sya kasabay nito pagiisip na nalalapit na ang pagtatapos ng klase namin sa highschool pero itinabi ko muna un at iniisip kung anu ang ngayon. Ayan na pasukan na maingay na ulit. kwento doon kwento dito may naputukan may hindi at may nagpatugtog lng ganyan ang mga estudyante sa tuwing may mahabang bakasyon.. Simula nanaman ng aral mode at dito mas lalo akong naging aktibo dahil kay trisha.
Add me here:
lets talk:
ACTIVITY FEED:
She is the most important person to me:
Trisha Mae A. Penohermoso





Calendar: